HIV Basics: Ano ang HIV at Paano Mapoprotektahan ang Sarili at ang Iba

Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay isang uri ng virus na inaatake ang ilang white blood cells na lumalaban sa  mga impeksyon at sakit. Nagpapahina ito sa immune system ng isang tao, at hindi na nagiging epektibo sa pagprotekta ng katawan. Kung hindi ito magagamot, maaring umabot ang HIV sa kondisyong tinatawag na AIDS […]

Ready na ba Akong Makipagsex?

Ang pakikipagtalik, o paggawa ng ano mang sekswal na aktibidad, ay isang espesyal na karanasan sa buhay ng isang tao. Higit na makakabuti kung ang makakasama mo ay isang taong pinahahalagahan mo. Mahirap magdesisyon kung kelan at kung handa ka na bang makipagtalik. At kahit ano pa mang sabihin ng iba, kayong dalawa lang ng […]

Ano ang Regla at mga Karaniwang Nararanasan Dito?

Kapag ang isang tao ay nagdadalaga, ang mga may matris ay naghahanda sa posibilidad na isang araw, makakabuo ng sanggol. Minsan sa isang buwan, naglalabas ang isa sa iyong dalawang obaryo ng maliit na itlog o ovum sa mga Fallopian tube. Ang uterus o matris ay magsisimulang kumapal sakaling ang itlog ay mapasukan ng punlay. […]

Chismis o Check? Mga Maling Akala Tungkol sa HIV

Ang mga maling chismis tungkol sa HIV at AIDS ay maaaring mas maging sanhi ng patuloy na pagkalat nito at ng patuloy na diskriminasyon laban sa mga taong mayroon o maaaring mahawaan nito. Kung hindi maitatama ang mga maling paniniwala, maari itong magdulot ng lalong pagkalito, kapahamakan, at maari ring makapinsala sa kalusugan. Bago iyan, […]

HIV at AIDS: Ano ang Pinagkaiba?

Hanggang sa ngayon, maraming maling pananaw tungkol sa HIV. Kadalasan, mas pinipili ng mga taong positibo sa HIV na itago ang kanilang kalagayan dahil sa stigma na nauugnay sa sakit na ito. Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay patuloy na lubusang nakakaapekto sa buhay ng napakaraming indibidwal at kanilang pamilya sa buong mundo. Sa […]

Bakit Mahalaga ang HIV Testing?

Mahalaga ang maagap na HIV testing dahil pinapabagal nito ang pagkalat ng virus sa katawan ng isang tao, at maging ang pagsalin nito sa iba pa. Maraming tao ang walang kamalay-malay na sila ay HIV positive. Dahil hindi nila alam ang kanilang status, at ito’y magiging sanhi upang hindi sila lubusang mag-ingat at maaring nakahawa […]

HIV Basics: Mga Dapat Malaman Tungkol sa HIV

Ang HIV, o Human Immunodeficiency Virus, ay isang uri ng virus na umaatake sa immune system ng isang tao. Pinapahina nito ang kalusugan ng isang tao sa pamamagitan ng pagsira sa mahahalagang cells na lumalaban sa mga sakit at impeksyon. Sa kasalukuyan ay walang mabisang lunas para sa HIV. Ngunit sa wastong pangangalagang medikal, makokontrol […]

STI Basics: Mga Dapat Malaman Tungkol sa STIs

Ang STIs o Sexually Transmitted Infections ay mga sakit na naihahawa sa pamamagitan hindi maingat na pakikipagtalik. Napakaraming uri ng STIs at sila ay dulot ng iba’t- ibang mikrobyo na maaaring magdala ng iba’t ibang kumplikasyon na pwedeng humantong sa panghabambuhay na mga komplikasyon. Ilan lamang ang mga sumusunod na halimbawa ng STIs: Gonorrhea o […]

Masturbation: Gaano Kasobra ang Sobra?

May panganib ba sa kalusugan ang labis na masturbation? Wala. Kahit na maraming mga sabi-sabi tungkol sa “mga panganib” ng masturbation, ito ay ligtas. Ang masturbation ay hindi physical o emotional na nakakapinsala sa anumang paraan.  Sa katotohanan, ang masturbation ay ang pinakaligtas na paraan ng pakikipagtalik dahil wala itong panganib ng pagbubuntis o impeksyon. […]

Sex 101: Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Sex

Alam mo bang ang bawat tao ay may iba’t-ibang konsepto ng pakikipagtalik? Malamang na ang alam mo pa lang ngayon e yung klase ng pakikipagtalik kung saan ang ari ng lalaki ay nasa loob ng ari ng babae (vaginal sex). Pero sa katunayan ay may mga iba pang klase ng pagtatalik, tulad ng: Oral sex […]

Ano ang Birth Control Pill?

Isa sa pinakakaraniwang ginagamit na contraceptive ay ang birth control pills. Pinipigilan ng pills na maglabas ng itlog ang iyong obaryo dahil sa mga hormones tulad ng estrogen at progestin na nilalabas nito sa katawan ng isang babae. Ang pills ay epektibo kapag ininom araw-araw nang walang mintis. May mga pills na pwede mo ring […]

Ano ang Contraceptive Implant?

Ang implant ay maliit at flexible na plastic na kasing-laki lang ng isang palito ng posporo na inilalagay sa ilalim ng balat sa may ilalim na bahagi ng braso ng isang babae. Ang isang implant ay isang halimbawa ng long acting reversible contraceptive o LARCs. Naglalabas ito ng hormones na makakapigil sa pagbubuntis ng hanggang […]