Chismis o Check: Mabubuntis ba Kahit Di pa Nagkakaroon ng Unang Regla?

CHECK na CHECK! Kapag nagdadalaga na ang isang babae anumang oras ay maaari nang maglabas na ng hinog na itlog ang obaryo o ‘yong tinatawag na ovulation. Laging nauuna ang paglabas ng hinog na itlog o ovulation. Kaya kapag nakipagtalik nang walang proteksyon ang isang babaeng nagdadalaga, kahit hindi pa man siya dinadatnan ng unang regla, ay […]
Chismis o Check: Posible Bang Mabuntis Kapag Nakipagtalik Habang Nireregla?

CHECK na CHECK! May posibilidad pa rin na mabuntis ang babae kung nakipagtalik nang walang proteksyon kahit pa nireregla. Ang babae ay mayroong dalawang obaryo na salitang naglalabas ng hinog na itlog. At posibleng maglabas ng hinog na itlog ang kabilang obaryo habang nireregla o pag tapos na ang regla kaya may tsansa pa ring mabuntis kahit […]
Posible bang Mabuntis Habang Nagpapasuso?

Ang isang babaeng nagpapasuso ay posible pa ring mabuntis. Pero posible ring hindi. Paano ito? Ang LAM o Lactational Amenorrhea Method ay isang natural na paraan para makaiwas sa pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpapasuso o breastfeeding. Ngunit epektibo lamang ito kung: wala pang anim na buwan si baby; hindi pa nireregla ang mommy; ekslusibong pinapasuso […]
Pakikipag-usap sa mga Magulang Tungkol sa Sex

Ang pakikipag-usap sa ‘yong mga magulang tungkol sa sex at pakikipagrelasyon ay talaga namang… nakakailang at nakakahiya. Maaaring nag-aalala ka sa magiging reaksyon nila. Ngunit ang totoo, sila ang pinakamaganda mong mapagtatanungan – pinagdaanan na nila ang lahat ng ‘to, at dahil mahal ka nila, nais nilang mapabuti at maging ligtas ka. Marami kang pwedeng […]
Consent at Komunikasyon

Hindi gaya ng hayop na madaling malaman kung gusto o ayaw nilang magpahawak, ang tao ay kinakailangan ng malinaw na usapan para malaman ito. Ang tawag dito ay consent. Bago gumawa ng kahit ano mang bagay lalong-lalo na kung sekswal, kailangan munang humingi ng pahintulot. Ito yung malinaw na pagsasabi ng “oo” at “hindi.” Tandaan […]
Ang Anatomy ng Babae

Tulad ng pagkakaiba-iba ng itsura ng katawan ng bawat tao, ang mga sekswal na bahagi ng ating katawan ay maaari ding magmukhang magkakaiba. Karamihan sa atin ay may panloob at panlabas na mga bahagi ng reproductive organs. Ang isang taong ipinanganak na babae ay karaniwang may panlabas na bahaging tinatawag na vulva. Ito ay binubuo […]
Ang Anatomy ng Lalaki

Tulad ng pagkakaiba-iba ng ating panlabas na kaanyuan, malaki rin ang pagkakaiba-iba ng itsura ng ating mga sekswal na bahagi ng katawan. Ang isang taong ipinanganak na lalaki ay karaniwang mayroong titi, isang scrotum na naglalaman ng dalawang itlog o bayag, at puwit na nakikita sa labas ng katawan. Ito ay binubuo ng mga nerves, […]
Paano Ba Nangyayari Ang Pagbubuntis?

Bago magkaanak, kailangan munang dumaan sa proseso ng pagbubuntis. Ito ay nangyayari kapag ang semilya, na nabubuo sa testicles ng lalaki ay humahalo nagmumula naman sa obaryo ng babae. Oras na kumapit ang pertilisadong itlog sa paligid ng uterus o matris, mag uumpisa na ang proseso ng pagbubuntis. Nagtatagpo ang semilya at itlog sa pamamagitan ng […]
Ano nga ba ang CONSENT?

Ang sexual consent ay ang pagsang-ayon ng dalawang tao na magsagawa ng isang partikular na sekswal na aktibidad at pagpapahayag ng kanilang pahintulot sa pamamagitan ng pagsasabi ng “oo, OK lang iyon sa akin.” Ngunit hindi dahil pumayag ang isang tao na gawin ang isang sekswal na aktibidad ay sang-ayon na rin siyang makisali o […]
Ano ang Masturbation?

Sa panahon ng puberty nagsisimulang lumikha ang katawan ng mas maraming sex hormones. Isa sa resulta nito ang pagiging interesado at curious sa sekswalidad. Minsan, para mapawi ang stress at sexual tension pinapaligaya ng mga kabataan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng paghawak sa kanilang mga ari. Ang tawag dito ay masturbation. Ito ay […]
Sex at Gender: Ano Ang Pagkakaiba?
Kapag nakita ng doktor o midwife na may titi ang bata, sinasabing lalaki ang sanggol. At kapag puke naman ang kanyang nakita, sinasabing babae ang sanggol. Alin pa man, ang kasariang itinalaga pagkapanganak ay tinatawag na sex assigned at birth. Ang sex assigned at birth, o kung minsan ay tinatawag na gender, ay base sa […]
Ano ang Sexual Orientation?
Sa pagsisimula ng puberty, marami sa mga kabataan ang nagsisimulang makaranas ng feelings of attraction para sa ibang tao. Ang nararamdamang ito ay maaaring nakakalito at medyo nakakatakot. Pero huwag mag-alala. Normal ang ganitong pakiramdam. Kahit na minsan, mahirap. Kanino ka man pisikal o romantikong naaakit ay tinatawag na sexual orientation. Ang mga babaeng pisikal […]