Privacy Policy

 

Ang Ugat ng Kalusugan, Inc. (Roots of Health) ay nirerespeto ang iyong privacy at nakatuon sa pagprotekta sa iyong personal na impormasyon alinsunod sa Data Privacy Act of 2012 (R.A. 10173). Tinitiyak naming ang iyong impormasyon ay pinangangasiwaan nang may mataas na antas ng pagiging kumpidensyal at may seguridad.

Ipinapaliwanag sa Privacy Notice na ito kung paano namin kinokolekta, ginagamit, at pinoprotektahan ang iyong personal na impormasyon depende sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa aming website at organisasyon.

 

Anong Impormasyon ang Kinokolekta Namin at Bakit

Kinokolekta lamang namin ang personal na impormasyong kusa mong ibinibigay, depende sa layunin ng pakikipag-ugnayan mo sa amin.

 

Para sa mga Donor

Ano ang kinokolekta namin:

  • Opsyonal na personal na impormasyon tulad ng pangalan, email address, at phone number
  • Mga detalye ng donasyon tulad ng halaga ng donasyon, paraan ng pagbabayad, at transaction reference

Maaari kang magbigay ng donasyon nang hindi ibinibigay ang iyong pangalan (anonymous donation).

Bakit namin ito kinokolekta:

  • Para ligtas na maproseso ang iyong donasyon
  • Para makapagpadala ng opisyal na resibo o pasasalamat
  • Para makapagbahagi ng mga update o impormasyon tungkol sa mga event, kung pinili mong makatanggap ng mga ito

 

Para sa mga Job Applicant

Ano ang kinokolekta namin:

  • Buong pangalan
  • Email address
  • Contact number
  • Employment history
  • CV o resume
  • Cover letter
  • Professional references na ipinadala sa aming opisyal na recruitment email (jobs@rootsofhealth.org)

Bakit namin ito kinokolekta:

  • Para masuri ang iyong kwalipikasyon para sa mga bakanteng posisyon
  • Para makontak ka para sa interview
  • Para magsagawa ng kinakailangang background check
  • Para maproseso ang iyong job application

 

Para sa mga Bisita ng Website at mga Nagtatanong

Ano ang kinokolekta namin:

  • Contact information na ibinibigay mo sa aming contact form, tulad ng pangalan, email address, at mensahe

Bakit namin ito kinokolekta:

  • Para masagot ang iyong mga tanong, feedback, o request para sa schedule

 

Pagbabahagi ng Impormasyon

Hindi namin ibinebenta o ipinapahiram ang iyong personal na impormasyon sa iba.

Maaaring ibahagi lamang ito sa mga awtorisadong awtorisadong organisasyon kung kinakailangan para sa aming operasyon, tulad ng:

  • Payment Processors – Para ligtas na maproseso ang mga donasyon.
  • Authorized Service Providers – Mga internal system o human resource tools na sumusunod sa mahigpit na kasunduan sa pagiging kumpidensyal.
  • Mga Ahensya ng Pamahalaan – Kung ito ay kinakailangan ng batas o ng mga mandatoryong legal at public health reporting requirements.

 

Gaano Katagal Namin Itinatago ang Iyong Impormasyon

Itinatago lamang namin ang iyong personal na impormasyon hangga’t kinakailangan para sa mga layuning nakasaad sa Privacy Notice na ito, tulad ng pagproseso ng job application, donasyon, o pagtupad sa mga legal na obligasyon ayon sa batas ng Pilipinas at iba pang naaangkop na regulasyon. Pagkatapos ng panahong ito, ligtas naming sisirain o permanenteng gagawing anonymous ang iyong impormasyon.

 

Iyong mga Karapatan bilang Data Subject

Sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012, mayroon kang mga sumusunod na karapatan:

  • Karapatang Ma-access at Maitama ang Iyong Impormasyon – Maaari mong tingnan ang iyong personal na impormasyon at hilinging maitama ito kung may mali.
  • Karapatang Magpa-delete o Magpa-block ng Impormasyon – Maaari kang tumutol o humiling na ihinto ang pagproseso ng iyong personal na impormasyon kung may sapat na legal na batayan.
  • Karapatang Bawiin ang Iyong Pahintulot – Maaari mong bawiin anumang oras ang pahintulot na dati mong ibinigay.
  • Karapatang Maghain ng Reklamo – Maaari kang magsampa ng reklamo kung naniniwala kang hindi maayos ang paghawak sa iyong personal na impormasyon.

 

Kung mayroon kang mga tanong, kahilingan, o nais gamitin ang alinman sa iyong mga karapatan tungkol sa privacy, maaari kang makipag-ugnayan sa aming Data Protection Officer (DPO).

Email: dpo@rootsofhealth.org
Telepono: 09157987019

 

Seguridad

Mayroon kaming mga organisasyonal, pisikal, at teknikal na hakbang upang maprotektahan ang iyong personal na impormasyon laban sa hindi awtorisadong pag-access, pagbubunyag, maling paggamit, o aksidenteng pagkawala.

 

Sa paggamit ng aming website, pagsusumite ng job application, o pagbibigay ng donasyon, nangangahulugan ito na nabasa at naunawaan mo ang Privacy Notice na ito.