Chismis o Check: Mabubuntis ba Kahit Di pa Nagkakaroon ng Unang Regla?

Play Video

CHECK na CHECK! Kapag nagdadalaga na ang isang babae anumang oras ay maaari nang maglabas na ng hinog na itlog ang obaryo o ‘yong tinatawag na ovulation.

Laging nauuna ang paglabas ng hinog na itlog o ovulation. Kaya kapag nakipagtalik nang walang proteksyon ang isang babaeng nagdadalaga, kahit hindi pa man siya dinadatnan ng unang regla, ay maaari pa rin siyang mabuntis.

Basahin ito kung nais mong malaman ang iba’t-ibang kontraseptibo na pwede para sa iyo para makaiwas sa pagbubuntis.