“Pre, anong size mo? Hindi sa t-shirt ah. 🤭”
Hindi na ata maiaalis sa mga kalalakihan na mag-isip at magkumparahan ng size ng titi. Madalas pa nga itong maging topic ng panunukso at katuwaan lalo na sa mga teenagers. Pero paano nga ba masasabi na normal ang size ng titi ng isang tao?
Tulad ng kulay ng mata, height, at sukat ng paa, ang size ng titi ay maaaring dahil din sa genes. At syempre iba ang size nito kapag ‘nakatayo’ o erect at kapag ‘tulog’ o flaccid.
Sa kabila ng mga naririnig o nababasa mo, walang espesyal na exercise, diet, o gel *ehem* ang makakapagpabago sa sukat ng ari ng isang lalaki. At isa pa, habang nasa puberty stage ang isang taong may titi, patuloy ito sa paglaki–parang pagtangkad.
Paano naaapektuhan ng puberty ang size ng titi?
Ang puberty ang pangalawang pagkakataon kung saan dumaraan sa paglaki ang titi ng isang tao. Sa mga unang ilang taon simula ng pagkapanganak, lalaki at bibilog ito at magkakaroon ng mabagal at steady na paglaki. Pero pagtungtong ng puberty, mas magiging mabilis ang paglaki ng sukat nito dahil sa hormones na kung tawagin ay testosterones. Kasabay din nito ang paglaki ng testes (testicles), scrotum, pati na rin ang pagtubo ng pubic hair o buhok sa palibot ng titi.
Tandaan: Iba-iba ang timeline ng puberty para sa bawat tao. Kadalasang nagsisimulang “magbinata” ang mga lalaki sa pagitan ng edad na 10 at 14. Pero pwede rin itong mapaaga sa edad na 9 o mahuli sa edad na 15. Kaya maski magkaka-edad ay hindi rin sabay-sabay lumaki ang mga titi ng mga lalaki. ‘Wag magkumpara! 😉
Kailan tumitigil sa paglaki ang titi?
Humihinto ang paglaki ng titi kapag natapos na ang puberty stage. Ang average na edad ng paghinto ng puberty ay nasa 16-18 pero kung late nagsimula ang puberty, maaaring may mangyari pang pagbabago sa katawan hanggang early 20s–kasama na doon ang paglaki ng titi.
Body image
Maaaring maging subject ng panunukso ang size ng titi lalo na sa mga kabataan pero hindi dapat nito maapektuhan kung paano mo tingnan ang iyong sarili.
Magkakaiba ang bawat titi–mapa sa itsura, kulay, o size man. Maaaring makakita ka ng mga lalaking may mas malalaki o mas maliit na titi kaysa sa iyo, o mas maputi, at may iba rin na naka-bend o tabinigi ang titi pag erect, pero hindi ibig sabihin non na hindi normal ang itsura at size mo.
Narito ang ilang paalala para hindi maging self-conscious habang nagbabago ang iyong katawan sa stage na ‘to:
- ‘Wag gawing basehan ang mga nakikita sa social media o mga websites. Walang visual standards ang ating reproductive systems. Basta healthy ang iyong katawan at gumagana ito ayon sa dapat nitong function, walang dapat ika-anxious.
- I-prioritize ang kalusugan–pisikal at sa isip. Ang pagiging malusog physically at mentally ay makatutulong para maging mas komportable ka sa iyong pangangatawan. Kaya makatutulong ang pag-engage sa mga physical activities tulad ng exercise at sports para maging healthy inside and outside!
Kailan dapat mabahala sa size?
Kung pakiramdam mo talaga ay lubhang maliit para sa edad mo ang size ng titi mo, pwede itong ipatingin sa doktor dahil may ilang health conditions na maaaring maging dahilan nito tulad ng Klinefelter syndrome kung saan ang isang lalaki ay ipinanganak na may extra X chromosomes na maaaring magresulta sa mas maliit na size ng titi at testicles pati na rin pagkakaroon ng female traits gaya ng breast tissue.
Kadalasang testosterone therapy ang ginagamit para sa mga lalaking may kondisyon na nakaaapekto sa hormones at male development.
Mga huling paalala
Tandaan na hindi batayan ng pagkalalaki ang size. Mapa small, medium o large o extra large man ‘yan, size doesn’t matter basta alam mong healthy ka at nag-fufunction naman ito nang tama. Imbis na ma-conscious sa size, mag-focus na lang kung paano mas mapapalaki ang iyong puso at mapapahaba ang iyong pasensya kasi naku, marami ka pang pagdaraanan during puberty!😉