Chismis o Check: Mabubuntis kahit sa labas ipinutok?

Play Video

🤔Chismis o check: Safe ba talaga kapag sa labas naman ipinutok?

❗CHISMIS ‘yan! Sa loob man o labas iputok, basta kapag nakipagtalik nang walang proteksyon, mataas ang chance na mabuntis.

Kahit ‘di pa nilalabasan ang lalaki, may pre-seminal fluid o pre-cum na nilalabas ito. At pwedeng may baon itong semilya o sperm cells na makakapertilisa sa egg cell. Ang ending? Buntis.

Panoorin ang maikling video na ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa withdrawal.

Ang video na ito ay mula sa Ugat ng Kalusugan, sa pamamagitan ng suporta ng Embassy of Canada in the Philippines at Canada Fund for Local Initiatives. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa ugatngkalusugan.org.