Pagkakakilanlan Sa Kasarian: Cis, Trans, O Fluid

Play Video

Ang bawat tao ay may kanya-kanyang pagkakakilanlan sa kasarian o gender identity. Maaaring naka-base ito sa biological features na mayroon siya. Cis gender ang tawag sa taong naaayon ang kanyang gender identity sa pisikal na katawan. Ang kabaligtaran naman nito ay transgender. Halimbawa, kung pinanganak na lalaki pero ang pagkakakilanlan niya sa kanyang kasarian ay babae, transgender ang tawag sa kanya. Gender fluid ang isang tao kung ang pagkakakilanlan niya sa kasarian niya ay hindi nakakahon sa babae o lalaki lamang, ngunit nasa isang spectrum. Tandaan: ang lahat ng tao ay nararapat igalang ano man ang gender identity nila. Panoorin ang maikling video na ito kung nalilito ka pa sa konsepto ng gender identity. Sa tulong ng The Australian and New Zealand Association (ANZA), mayroon na tayo ngayong libre at tamang impormasyon tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog!

——————

I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos.