Paano Ba Nangyayari Ang Pagbubuntis?

Play Video

Bago magkaanak, kailangan munang dumaan sa proseso ng pagbubuntis. Ito ay nangyayari kapag ang semilya, na nabubuo sa testicles ng lalaki ay humahalo nagmumula naman sa obaryo ng babae. Oras na kumapit ang pertilisadong itlog sa paligid ng uterus o matris, mag uumpisa na ang proseso ng pagbubuntis.

Nagtatagpo ang semilya at itlog sa pamamagitan ng pagtatalik kung saan ipinapasok ng lalaki ang kanyang titi o ari sa puki ng babae. Ang semen, o ang likido na naglalaman ng sperm ng lalaki, ay lalabas at lalangoy patungo sa cervix at matris ng babae hanggang sa makarating ito sa fallopian tubes kung saan matatagpuan ang itlog. Oras na magsanib ang itlog at semilya, patuloy silang maglalakbay patungo sa matris kakapit sa uterine wall o bahay bata at mag uumpisa na ang proseso ng pagbubuntis.

Mayroon ding ibang proseso na ginagawa sa tulong ng isang doktor kagaya ng tinatawag na artificial insemination o artipisyal na pagpapabinhi kung saan ituturok ng healthcare provider ang semilya ng lalaki sa cervix o matris ng babae.

Maaari ring doktor na mismo ang gumawa ng paraang magsanib ang semilya at itlog. Isinasagawa ito sa laboratoryo at saka ipapasok ang pertilisadong itlog sa uterus ng babae. Ang tawag naman dito ay in vitro fertilization.

Sa loob ng siyam na buwan, ang pertilisadong itlog ay lalaki sa isang fetus at bubuo ng organs at iba’t-ibang parte ng katawan hanggang sa maging handa na itong ipanganak.

Ang pagbubuntis at panganganak ay isa lamang sa maraming paraan ng pagbubuo ng pamilya. May mga taong mas pinipiling mag ampon at may mga tao rin namang pinipiling hindi magkaroon ng anak.

Sa tulong ng Austrian Embassy Manila, mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyong tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog.
——————
I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos.