Mga Pangunahing Palatandaan ng Pagdadalaga

Play Video

Ang pagdadalaga na tinatawag ding puberty ay may kasamang pagbabago sa katawan. karaniwang nararanasan ng nasa eight hanggang thirteen years old.  At nagtatagal mula lima hanggang pitong taon. Pero magkakaiba ito sa bawa’t tao at walang eksaktong oras kung kailan ito mangyayari.

Mga senyales ng pagdadalaga:

  1. Pagtangkadat paglapad ng balakang
  2. Pag-umbok ng dibdib
  3. Pagtubo ng buhok sa ari at sa kili kili
  4.  Pagkakaroon ng body odor o pawis na may amoy
  5. Pagtubo ng tigyawat
  6. Pag-oovulate at pagkakaroon ng regla na pwedeng magtagal ng hanggang isang linggo

 

Hindi madali ang pagdaanan ang puberty, kaya normal lang na kung minsan, hindi maging komportable sa mga pagbabagong nangyayari sa iyong katawan. Pero tandaan, ito ang iyong mahiwagang paglalakbay – sa pagiging – isang dalaga.

Sa tulong ng Austrian Embassy Manila, mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyong tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na Tinagalog!

——————

I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos.