Masturbation: Gaano Kasobra ang Sobra?

CA33 Masturbation Sobra

May panganib ba sa kalusugan ang labis na masturbation? Wala. Kahit na maraming mga sabi-sabi tungkol sa “mga panganib” ng masturbation, ito ay ligtas. Ang masturbation ay hindi physical o emotional na nakakapinsala sa anumang paraan. 

Sa katotohanan, ang masturbation ay ang pinakaligtas na paraan ng pakikipagtalik dahil wala itong panganib ng pagbubuntis o impeksyon. Posible na ang madalas na pagbabate ay magdulot ng skin irritation, ngunit ang paggamit naman ng lubricant o pampadulas ay maaaring makaiwas na ito ay mangyari.

May ilang mga tao na nag-aalala na baka labis o masyadong madalas ang kanilang pagbabate. Itinuturing lang na “sobra” ang pag-masturbate kung ito ay humahadlang sa iyong kakayahang makapasok sa paaralan, magtrabaho, o makasama ang mga kaibigan o pamilya. Ngunit ito ay isang napaka-bihirang problema.

Ang ilang mga tao ay nagsasalsal nang higit sa isang beses sa isang araw, ang ilang mga tao ay nagsasalsal paminsan-minsan, at ang ilang mga tao ay hindi kailanman nagsasalsal—lahat ng mga ito ay ganap na normal.