HIV Basics: Ano ang HIV at Paano Mapoprotektahan ang Sarili at ang Iba

Play Video

Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay isang uri ng virus na inaatake ang ilang white blood cells na lumalaban sa  mga impeksyon at sakit. Nagpapahina ito sa immune system ng isang tao, at hindi na nagiging epektibo sa pagprotekta ng katawan.

Kung hindi ito magagamot, maaring umabot ang HIV sa kondisyong tinatawag na AIDS o Acquired Immunodeficiency Syndrome. Ang isang taong may AIDS ay mahina sa iba pang mga impeksyon, kabilang ang tuberculosis, pneumonia, ilang uri ng cancer, at iba pa.

Paano nahahawa ang isang tao ng HIV?

Naipapasa lang ang HIV sa pamamagitan ng palitan  ng  likido sa katawan– dugo, semilya, hima o lusaw, at gatas ng ina. Karaniwan itong naipapasa sa pakikipagtalik at hiraman ng karayom. Naipapasa rin ang HIV mula sa ina papunta sa anak habang nagbubuntis, sa panganganak, o pagpapasuso. Hindi madalas mangyari, pero doon ko nakuha.

TANDAAN: Hindi ka magkaka-HIV dahil sa simpleng pagdikit tulad ng paghawak, paghalik, o kahit na pagsasalo sa baso ng tubig.

Paano protektahan ang sarili at ang iba mula sa HIV?

Para mailigtas ang sarili at ang iba, huwag munang makipagtalik, o~ ugaliing gumamit ng condom. At huwag mag-turok ng droga. Mahalaga para sa mga taong nakikipagtalik na regular na magpasuri para sa HIV at iba pang mga STD. Pwedeng magpatingin sa nakasanayang health care provider, o sa family planning clinic. May ilang tests na pwedeng gawin sa bahay.

Bagamat wala pang paraan para tuluyang maalis ang HIV sa katawan, mayro’n nang ligtas at epektibong gamot sa mga taong may HIV para mamuhay nang malusog at mabuhay nang matagal at mabawasan ang tsansang maipasa ‘yon sa iba. Mayro’n ding gamot na kayang pigilang makakuha ang tao ng HIV kung high risk sila.

Sa tulong ng Austrian Embassy Manila, mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyong tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog!

——————

I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos.