Sa Pilipinas, tumataas ang bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis at nakakabuntis, at dumarami rin ang mga kabataang nagpopositibo sa HIV. Mahalagang parte dito ang pagbibigay ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa kabataan. Ang pagbibigay ng age-appropriate, evidence-based, at non-judgmental na sexuality education ay isang paraan upang mas maunawaan ng kabataan ang mga pagbabago ng kanilang katawan at sexual health. Sa CSE, natutulungan ang mga kabataan na makapagdesisyon nang tama para sa kanilang kalusugang reproduktibo, at maiwasan ang maagang pagbubuntis, at pagkahawa ng HIV at ibang sexually transmitted infections.