Community-Based HIV Screening Training

Ang libre, accessible, at confidential na HIV testing ay isang serbisyo na binibigay ng Ugat ng Kalusugan. Ka-partner ang Provincial Health Office dito sa Palawan, ang Ugat ng Kalusugan ay nagsasagawa ng libreng Community-Based HIV Screening Training (CBS Training) sa mga Rural Health Unit staff (RHU) at key population groups. Layunin ng training na mapaigting ang kampanya sa kahalagahan ng maagang pagpapa-test, at mas maging accessible at mailapit sa komunidad ang HIV testing.