Ang Ugat ng Kalusugan ay naniniwala na ang age-appropriate, evidence-based, at nonjudgmental na sexuality education ay nakakatulong sa mga kabataan upang mas maunawaan nila ang mga pagbabagong nangyayari sa kanilang katawan at sexuality. Sa pamamagitan nito ay makakapagdesisyon sila nang tama pagdating sa kanilang kalusugang pangreproduktibo upang maiwasan ang maagang pagbubuntis, HIV at sexually transmitted infections.
Kinikilala ng Ugat ng Kalusugan ang mga teachers bilang ka-partner pagdating sa pagbibigay ng sexuality education sa mga kabataan. Sa training na ito ay pinag-uuusapan ang sex at sexuality education upang mas maging komportable ang mga teachers sa paksa, at maitama ang mga maling paniniwala tungkol sa comprehensive sexuality education. Layunin din ng training na ito na maging bukas ang mga teachers sa pakikipag-usap.