Contraceptive Method: Implant

Play Video

Ang implant ay isang uri ng hormonal contraceptive na nilalagay sa ilalim ng balat. Ito ay isang flexible na plastic na halos kasing laki ng isang posporo.

Napakadali at napakabilis magpalagay ng implant. Tumatagal lamang ito ng limang minuto na may kaunting iniksyon ng local anesthesia bago ilagay ang implant. Kaya naman wala kang mararamdaman na anumang sakit.

Mabilis at madali rin itong tanggalin. Tanging mga health care professionals lamang ang maaring maglagay at magtanggal nito sa ilalim ng balat sa braso.

Dahil sa nilalamang nitong hormone pinapanatili nitong manipis ang lining o dingding ng matres, pinapakapal ang cervical mucus o ang likido na nakabalot sa bukana ng matres na siyang pumipigil sa sperm cell na makaabot sa matres. Napipigilan din nito ang pagrelease ng egg cell. Ang kaibahan nito sa pills na kailangan inumin araw-araw at sa DMPA na kailangan iinject kada tatlong buwan, ang implant ay may bisa hanggang tatlong taon.

Normal lang na epekto ng implant ang spotting, at iregular naregla sa unang tatlong buwan ng paggamit nito. Normal din lamang na mas mahina ang regla habang may implant. Huwag mag-alala dahil hindi ito nakakasama sa katawan.

Ang video na ito ay hatid sa inyo ng Ugat ng Kalusugan, sa pamamagitan ng suporta ng Embassy of Canada in the Philippines through the Canada Fund for Local Initiatives. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa ugatngkalusugan.org