CHECK na CHECK! May posibilidad pa rin na mabuntis ang babae kung nakipagtalik nang walang proteksyon kahit pa nireregla.
Ang babae ay mayroong dalawang obaryo na salitang naglalabas ng hinog na itlog. At posibleng maglabas ng hinog na itlog ang kabilang obaryo habang nireregla o pag tapos na ang regla kaya may tsansa pa ring mabuntis kahit pa makipagtalik nang may regla.
Karamihan sa mga kabataan ay hindi pa regular cycle ng pagreregla. Kaya naman kapag may pagtatalik ng walang proteksyon–kahit pa nireregla–may posibilidad pa rin na mabuntis.
Para siguradong makaiwas sa pagbubuntis, gumamit pa rin ng contraceptives gaya ng condom o kumonsulta sa pinakamalapit na clinic o health center para sa iba pang contraceptives na swak para sa iyo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa contraceptives, basahin ang lahat ng ito dito: Paano Maiiwasan ang Pagbubuntis Gamit ang Iba’t-ibang Contraceptives.