Kahit sino ay puwedeng makaranas ng bullying. Maraming klase nito. Pwedeng pisikal na pananakit, pangaasar o name-calling, panghihiya nang paulit-ulit, sadyang hindi pagpansin o pag-exclude, o kaya naman pang-aapi online o sa social media.
Kahit kailan, hindi katanggap-tanggap ang bullying, ano man ang rason o sino man ang gumawa. Kung biktima ka ng bullying, magtabi ng ebidensya ng pambubully at magsabi sa pinagkakatiwalaang nakatatanda kung hindi pa rin humihinto ang bully kahit sinabihan mo na siyang tumigil.
Panoorin ang video para sa karagdagang impormasyon.
Sa tulong ng the Australian and New Zealand Association (ANZA), mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyon tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog!
——————
I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos: https://bit.ly/3ELvEcw