Ang pill ay isang hormonal contraceptive na iniinom. Mayroon itong dalawang uri: Combination Oral Pill at Progestin-Only Pill.
Ang Combination Oral Pill (COC) ay naglalaman ng progestin at estrogen. Pinipigilan ng estrogen ang paglabas ng egg cell para walang itlog na mapertilisa ang sperm cell.
Habang ang Progestin-Only Pill (POP) naman ay naglalaman ng progestin lamang na nagpapalakas ng cervical mucus o ang likido na nakabalot sa bukana ng matres. Pinipigilan nito ang sperm cell na makaabot sa matres.
Para mapanatiling epektibo ang parehong pills na ito, kinakailangang inumin ito nang tama at sa parehong oras araw-araw. Kung iinumin nang tama, ang parehong pills ay higit pa sa 99% na epektibo para mapigilan ang hindi inaasahang pagbubuntis.
Alamin dito kung paano nakakatulong na makaiwas sa pagbubuntis ang mga contraceptives at kung ano-ano pang mga contraceptives ang pwede para sa kababaihan.