Tulad ng pagkakaiba-iba ng itsura ng katawan ng bawat tao, ang mga sekswal na bahagi ng ating katawan ay maaari ding magmukhang magkakaiba. Karamihan sa atin ay may panloob at panlabas na mga bahagi ng reproductive organs.
Ang isang taong ipinanganak na babae ay karaniwang may panlabas na bahaging tinatawag na vulva. Ito ay binubuo ng pubic mound, panloob at panlabas na labi ng vulva na tinatawag na labia, clitoris o ang malambot na tisyung napaka-sensitibong hawakan, at ang panlabas na bukana ng urethra pati na rin ang puki. Ang urethra ay ang butas kung saan dumadaan ang ihi ng tao. Sa likod naman nito makikita ang bukasan ng puki.
Madalas, vagina ang ginagamit na terminolohiya ng mga tao para sa kung ano talaga ang tunay na tinatawag na vulva. Nasa loob ng vulva ang vagina at ito ang kanal na patungo sa matris. Ang kanal na ito ay karaniwang tatlo hanggang limang pulgada at may kakayahan pang lumaki at lumiit ayon sa pangangailangan. Tanging ang bukana lamang ng vagina ang makikita mula sa labas. Sa likod naman ng bukasang ito matatagpuan ang tinatawag na anus.
Sa panloob, ang isang taong ipinanganak na babae ay mayroong dalawang organong kasing laki ng almond na tinatawag na mga ovaries. Naglalaman ito ng maliliit na itlog. Isang beses sa isang buwan, ang isang itlog ay inilalabas sa obaryo at naglalakbay patungo sa fallopian tubes hanggang sa uterus na may kapasidad na lumaki upang makabuo at makapangalaga ng sanggol oras na magbuntis ang babae. Bawat buwan kapag walang pagbubuntis, ibinubuhos ng matris ang napilas nitong sapin sa cervix na lalabas naman sa kanal ng ari bilang regla.
Sa tulong ng Austrian Embassy Manila, mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyong tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog.