Dumadaan ang lahat ng lalaki sa proseso ng pagbabago o puberty. Maraming pisikal, emosyonal, at sosyal na pagbabago ang pagbibinata. Kadalasang sa loob ng lima hanggang pitong taon ang pagbabago bago ito makumpleto.
Ang mga pagbabagong ito ay hindi sabay sabay mararanasan ng bawat tao at qalang – eksaktong oras kung kailan ito mangyayari.
Sa mga lalaki, karaniwan itong nangyayari sa sa pagitan ng 11 hanggang 15 years old.
Mga senyales ng pagbibinata:
- Pagkakaro’n ng balbas at bigote
- Paglalim ng boses
- Biglang paglaki kung saan tumatangkad ang lalaki, lumalapad ang balikat, at lumalaki ang buong katawan
- Pagkakaroon ng tigyawat
- Medyo pag-umbok nang dibdib bilang resulta ng lahat ng hormones, na kusa rin namang huhupa
- Pagtubo ang buhok sa paligid ng ari pati na rin sa kili kili
- Pagkakaroon ng body odor o kakaibang amoy ng pawis
- Madalas at kung minsan ay ang kusang pagtayo ng ari kung saan lumalaki ito kapag napupuno ng dugo at gumagawa ng semilya na kapag nahalo sa ibang liquid sa katawan ay nagiging tamod
- Posibleng pag-eksperimento sa masturbesyon, o pagbibigay ginhawang sekswal sa sarili
Bukod sa pisikal na pagbabago, marami ring nangyayaring pagbabagong emosyonal. Katulad ng Madalas na pagbabago-bago ng mood. Ang pagkakaroon ng mga damdaming sekswal sa unang pagkakataon, minsan, tinatawag ding libog, ang pagiging interesado sa ibang tao sa romantiko o at sekswal na paraan. Pati na rin ang pakiramdam na gusto mo palaging mapag-isa, malayo sa iyong mga magulang at kapatid.
Malaking pagsubok talaga ang proseso ng pagbibinata. Pero hindi ka nag-iisa– lahat ng lalaki ay dumadaan dito.
Sa tulong ng Austrian Embassy Manila, mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyong tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na Tinagalog!
——————
I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos.