Ang isang babaeng nagpapasuso ay posible pa ring mabuntis. Pero posible ring hindi. Paano ito?
Ang LAM o Lactational Amenorrhea Method ay isang natural na paraan para makaiwas sa pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpapasuso o breastfeeding. Ngunit epektibo lamang ito kung:
- wala pang anim na buwan si baby;
- hindi pa nireregla ang mommy;
- ekslusibong pinapasuso si baby at;
- pinapasuso si baby kada dalawa hanggang apat na oras.
Kung hindi masunod ang lahat ng ito, maaari pa ring mabuntis si mommy kahit pa siya ay nagpapasuso. Kaya ang pinakamainam pa ring gawin ay ang gumamit ng tamang kontraseptibo gaya ng condom, IUD (intrauterine device), implant, o pills. Kumunslta sa isang healthcare professional o sa Ugat ng Kalusugan para sa swak na family method para sa inyo.