Ang pakikipag-usap sa ‘yong mga magulang tungkol sa sex at pakikipagrelasyon ay talaga namang… nakakailang at nakakahiya. Maaaring nag-aalala ka sa magiging reaksyon nila. Ngunit ang totoo, sila ang pinakamaganda mong mapagtatanungan – pinagdaanan na nila ang lahat ng ‘to, at dahil mahal ka nila, nais nilang mapabuti at maging ligtas ka.
Marami kang pwedeng tanungin sa iyong mga magulang–tulad ng:
- Normal ba ang katawan mo
- Kung ano ba ang sex at kung handa ka na ba para dito
- Paggamit ng mga birth control methods
- Kung anong pwedeng gawin kung sakaling mahawa ka ng STD o iba pang nakakahawang sakit
Maaari mo rin silang tanungin kung ano ba ang mga natutunan nila mula sa kanilang sariling mga magulang.
Bago mo sila kausapin, higit na makakatulong kung ililista mo muna lahat ng gusto mong tanungin at malaman tungkol sa sex at bago mo sila kausapin bigyan mo muna sila ng babala tungkol dito. At huli sa lahat, kailangan mong tanggapin na normal lamang makaramdam ng hiya, at malamang sa malamang ay nahihiya rin ang iyong sariling mga magulang.
Sa tulong ng Austrian Embassy Manila, mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyong tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog.