Paano nga ba maging kakampi o ally ng LGBTQIA+ community? Ang isang ally ay taong hindi man LGBTQIA+ pero sumusuporta sa kanila. Maraming paraan para ipakita ang iyong suporta at pagmamahal sa kanila!
Malaking tulong na ang pagiging isang kaibigan at mabuting tagapakinig.Kung may kilala ka namang nadi-discriminate dahil sa sexual orientation o gender identity nila, maaaring tumindig at ipagtanggol sila mula sa mga bully. Pwede ring sumali o mag-volunteer sa mga organisasyon na layuning suportahan ang LGBTQIA+ community.
Panoorin ang maikling video na ito para matuto pa!
Sa tulong ng the Australian and New Zealand Association (ANZA), mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyon tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog!
——————
I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos: https://bit.ly/3ELvEcw