Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Mga STI

Play Video

Ang sexually transmitted infections (STIs) ay mga sakit na pwedeng makuha sa pakikipagtalik–kahit pa ito’y oral, anal, o vaginal sex–kung hindi gagamit ng proteksyon o condom. Kabilang sa sintomas ng STIs ang pamamaga, pananakit, o pagkakaroon ng rashes o pantal sa ari.

Kung nakararanas ng ganitong mga sintomas o kaya naman nakipagtalik nang walang proteksyon, marapat na magpa-test para sa STIs. Kung maaga itong matutuklasan, mas mabilis din itong maaagapan.

Ugaliin ang paggamit ng condoms at regular na pagpapa-test kung ikaw ay sexually active. Para sa karagdagang impormasyon, panoorin lang ang video na ito!

Sa tulong ng the Australian and New Zealand Association (ANZA), mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyon tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na Tinagalog!

——————

I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos: https://bit.ly/3ELvEcw