Long-Acting Reversible Contraception Alamin

Play Video

Birth control o contraception ang tawag sa gamot o medical device na ginagamit ng tao upang maiwasang magtagpo ang punlay at itlog. Kaya kung gusto mong makipagtalik pero ayaw mong mabuntis, mayroon kang option, ang long-acting reversible contraception (LARCs).

Mga uri ng LARCs:

1. Depo Provera o The Shot

Isang uri ng contraceptive na tinuturok sa isang tao kada labindalawang linggo para magbigay proteksyon laban sa pagbubuntis. Pinipigilan nito ang ovulation.

2. Contraceptive Implant

Tinatawag rin minsan itong Nexplanon. Ito ay kasing-laki at kasing-hugis ng isang palito. Ipinapasok ito ng isang nars o doktor sa itaas na bahagi ng braso. At naglalabas ang ito ng hormones sa katawan upang mapigilan ang pagbubuntis hanggang sa tatlong taon.

3. IUD

Ang IUD o tinatawag ding intrauterine device ay isang malambot na piraso ng plastik na ka-hugis ng letrang T. Nilalagay ito ng isang health care provider sa matris. Nagtatagal ito ng mula tatlo hanggang labindalawang taon. Kung handa ka nang magkaanak, madali maaalis ng iyong health care provider ang IUD at maaari ka nang magbuntis pagkatapos.

TANDAAN: Kahit na mabisang pagpigil sa pagbubuntis ng higit sa 99 percent ang bawat isa sa mga long-acting methods na ito, wala itong proteksyon laban sa STD. Kaya importante pa ring gumamit ng condom tuwing nakikipagtalik.

Sa tulong ng Austrian Embassy Manila, mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyong tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog!

——————

I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos.