Ligtas na Paggamit ng Internet

Play Video

“Ayan kasi! Kaka-cellphone mo ‘yan!” Narinig mo na ba ang linyang ‘yan mula sa magulang mo? Sa panahon ngayon, madalas tayong nakababad sa gadgets para mag-internet – pwedeng para sa school, work, o entertainment. Malaking bagay ang naitutulong nito sa buhay natin, pero alam mo bang pwede ka ring mapahamak kung ‘di ka wais sa paggamit nito?

Tandaan, kahit pa naka-private ang mga account mo, walang tunay na pribado sa internet. Kaya dapat talagang mag-ingat sa mga pinopost mo – lalo na kung sensitibo o pribado ang nilalaman nito. Higit sa lahat, mag-ingat din sa mga taong nakikilala mo online dahil maraming nagtatago sa fake accounts para manloko ng kapwa!

Para sa karagdagang tips at impormasyon, panoorin ang maikling video na ito.

Sa tulong ng the Australian and New Zealand Association (ANZA), mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyon tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin — sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog!

——————

I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos: https://bit.ly/3ELvEcw