Lalaki Lang ang May High Sex Drive?

Astig_Pre_Articles_Banners

Kapag pinag-uusapan ang sex drive o libido, madalas mong maririnig ang mga linyang:

“Lalaki yan kaya laging handa.”

“Mas mataas talaga ang sex drive ng lalaki kaysa sa babae.”

“Normal lang sa lalaki ang ‘mahilig’ sa sex.”

Pero, totoo nga ba ito? O isang stereotype o panglalahat lang na pinalalaganap ng kultura, media, at maling impormasyon? Sa article na ito,bisitahin natin ang ilan sa mga paniniwala tungkol sa sex drive at pleasure—at kung bakit dapat nating iwasan ang ganitong pananaw.

#Myth 1: Mas mataas ang sex drive ng lalaki kaysa sa babae.

Ano ang totoo?

Maraming factors ang nakakaapekto sa sex drive, at hindi lang ito dahil sa pagiging lalaki o babae. Ayon sa research, parehong may mataas na libido ang lalaki at babae, pero maaaring magkaiba lang ang paraan ng pagpapahayag nila nito.

Tandaan: 

  • Ang libido ay naiimpluwensiyahan ng hormones (testosterone at estrogen), mental health, lifestyle, at relasyon—hindi lang ng kasarian.
  • May mga babaeng may mataas na sex drive at may mga lalaking mababa ang sex drive—at pareho itong normal.
  • Hindi ibig sabihin na mas vocal o open ang isang lalaki tungkol sa sex, ay mas mataas na agad ang libido niya.

Hindi ito kumpetisyon! Hindi less sexual ang mga babae, maaaring mas hindi lang halata dahil sa mga nakagisnan na pagtingin sa mga kababaihan. Malaki ang epekto ng pagpapalaki at societal norms sa kung paano natin nararanasan at ipinapahayag ang ating sexualidad. Karaniwang mas tanggap ng lipunan na bukas ang mga lalaki tungkol sa sex, habang karaniwan ay hinuhusgahan ang mga babaeng open na pag-usapan ito..

Ang sex drive ay natural at unique para sa bawat isa.

Myth #2: Ang tunay na lalaki, laging “handa” makipagtalik.

Ano ang totoo?

Sa pop culture, laging pino-portray ang lalaki bilang palaging handang makipag-sex, kahit kailan, kahit saan. Pero sa realidad, may mga pagkakataon na hindi palaging ganito. Kasi sino ba namang tao ang palaging nasa mood ‘di ba?

Tandaan: 

Ang tunay na astig na lalaki ay may kakayahang intindihin ang sarili niyang katawan at boundaries. Hindi ito tungkol sa ego, kundi sa pag-aalaga sa sarili.

Myth #3: Mas gusto lang ng lalaki ang sex para sa pleasure, hindi para sa emotional connection.

Ano ang totoo?

Hindi lang para sa sarap ang sex—maraming lalaki ang naghahanap ng intimacy at emotional connection. Iba-iba ang hanap ng tao sa sex, at hindi ito nasusukat sa kasarian; sa totoo lang, ang pagiging emotionally open ay hindi kahinaan, kundi senyales ng ating emotional maturity at nakakatulong sa ating well-being.

Tandaan:

  • Maraming mga lalaki na naghahanap ng intimacy at emotional connection sa sex—hindi lang puro pisikal na satisfaction. May mga babae din naman na naghahanap ng sexual pleasure lang at hindi na gaano importante ang feelings. Magkakaiba ang hanap ng iba’t ibang tao sa sex, at hindi ito idinidikta ng kasarian. 
  • Ang sex ay hindi lang laging tungkol sa orgasm, kundi sa bonding at closeness na nararamdaman ng mag-partner.
  • Ang pagkakaroon ng emosyonal na koneksyon sa partner ay hindi nakakabawas ng pagkalalaki at lalong hindi isang kahinaan.

Ang tunay na intimacy ay hindi lang puro tungkol sa kung anong masarap sa pakiramdam, kasama din dito ang respeto, pag-unawa, at emotional closeness.

Huling paalala

Wag mahiyang  pag-usapan ang sex, pleasure, at sarili mong katawan. Walang mali sa pagiging curious tungkol sa sex, pleasure, at sa sarili mong katawan — natural ’yan. Pero tandaan: hindi excuse ang curiosity para maging bastos o mapanakit, lalo na sa kababaihan at iba’t ibang gender. Mas astig ’yung marunong makipag-usap ng may respeto.

TANDAAN! Mahalagang mayroong consent sa lahat ng pagkakataon lalo na sa sex. 

Kung may gusto kang malaman pa tungkol sa sex, pleasure, at sexual health, sundan ang Usapang K sa Facebook para sa mas marami pang interesting at nonjudgmental na discussions!