Ang tao ay hindi tulad ng mga laruang manika na hinulma sa iisang molde. Magkakaiba ang hugis at sukat ng iba’t-ibang katawan. Hindi nag-eexist ang ating katawan para lang purihin ng iba batay sa standards na meron sila.
Ang katawan ay makapangyarihang sistema na bumubuhay sa’tin para magawa ang mga bagay na kailangan at gusto natin. Marahil importante sa‘yo ang body image mo, pero dapat main concern ang kalusugan sa lahat ng aspeto: pisikal, emosyonal, mental, at sosyal.
Kaya ano pa man ang uso at hinahangaan na katawan sa social media ngayon o bukas, tandaan na every body is a beautiful body! Naghanda kami ng video para mas maunawaan ang paksang ito.
Sa tulong ng Australian and New Zealand Association (ANZA), mayroon na tayo ngayong libre at tamang impormasyon tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog!
——————
I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos: https://bit.ly/3ELvEcw