Kadalasang rereglahin sa unang pagkakataon ang mga nagdadalaga pagkatapos magsimulang lumaki ang suso. Ang pagdating ng unang regla ay kadalasang nangyayari sa pagitan ng edad na 12 at 13, pero pwede ring mapaaga o mahuli ang pagdating nito.
Kakailanganing magsuot ng sanitary napkin o tampon kapag nireregla na ang isang tao. Huwag mahiyang magtanong sa nanay, ate, kaibigan, o isang pinagkakatiwalaang nakatatanda tungkol sa regla. Normal itong proseso ng katawan na hindi dapat ikahiya.
Kadalasan, 28 araw ang pagitan ng unang regla at simula ng panibagong regla. Pero hindi laging nasusunod ang schedule na ito sa bawat tao, at normal lang ito.
Gaano kadalas ako rereglahin?
Kadalasan, ang pagitan ng iyong unang regla sa simula ng iyong panibagong regla ay 28 na araw. Pero hindi laging nasusunod ang schedule na ito sa bawat babae, at normal lang ito.
Minsan naman ay mas maaga o mas huli ang dating ng iyong regla. Normal lang na maging iba-iba ang dating ng regla sa bawat babae lalo na sa unang dalawang taon mula nang unang pagreregla, kaya ‘wag mag-panic. Pagtanda mo ay posibleng magiging mas regular na ang pagdating ng iyong regla.
Normal din na iba-iba ang tagal ng pagreregla ng isang babae. Merong nireregla nang dalawang araw lang, at yung iba naman ay inaabot ng isang linggo. Kung talagang hindi mawala-wala sa isip mo ang pagiging hindi regular ng iyong regla ay maaari ka namang kumonsulta sa isang doktor.
Kailan ako dapat magpalit ng sanitary napkin o tampon?
Magpalit ka kaagad ng napkin bago pa ito tuluyang mapuno ng dugo. Mararamdaman mo naman kung dapat mo na ba talagang palitan ang iyong napkin. Ang tampon naman ay kadalasang dapat palitan kada 4 hanggang 8 oras.
Ano ang gagawin kapag sumasakit ang puson tuwing nireregla?
Dysmenorrhea o menstrual cramps ang tawag sa pagsakit ng puson habang nireregla. Dahil sobra ang paggawa ng katawan ng mga hormones, hindi napipigilan ng mga masel ng bahay-bata o uterus na mag-contract o makaranas ng tensyon. Posible ring makaramdam ng sakit sa likod, pakiramdam ng panandaliang paglobo, pagkahilo, pagtatae, at pagkapagod. Normal lang ang mga ito.
Maaaring gumamit ng mga ito upang maibsan ang sakit:
- Hot compress (o bimpo na may mainit na tubig). Ilagay lang ito sa bandang puson.
- Painkillers tulad ng mefenamic acid, ibuprofen, Hyoscine-N-butylbromide o paracetamol
- Contraceptive pills (kumunsulta sa isang health care provider para sa tamang paggamit)
Kung sobra-sobra na ang pananakit, kumunsulta na sa isang OB-Gyne.
Ano ba yung PMS?
Ang ibig sabihin ng PMS ay premenstrual syndrome na madalas mararamdaman bago dumating ang regla. Karaniwang nararamdaman dito ang pagka-irita, hirap sa pagtulog, pagkabalisa, pagiging mas sensitibo o madamdamin, at medyo matinding kagustuhang kumain ng ilang pagkain o yung tinatawag na food cravings. Huwag mag-panic: normal lang na makaramdam ng mga ganito!
Normal ba ang regla ko?
Normal na rereglahin sa unang pagkakataon ang mga nagdadalaga pagkatapos magsimulang lumaki ang suso. Ang pagdating ng unang regla ay kadalasang nangyayari sa pagitan ng edad na 12 at 13, pero pwede ring mapaaga o mahuli ang pagdating nito.
Kapag nangyari ito, kailangan nang magsuot ng sanitary napkin, tampons, o menstrual cups.
Tandaan: Huwag mahiyang magtanong sa iyong nanay, ate, o kaibigan tungkol sa regla. Dumaan din sila sa nararanasan mo ngayon. Normal itong proseso ng katawan kaya dapat ay huwag kang matakot na matutunan ang mga bagong kaalaman tungkol dito.
Sumasakit ang aking puson tuwing ako’y nireregla. Ano ang aking gagawin?
Ang pagsakit ng iyong puson ay tinatawag na dysmenorrhea o menstrual cramps. Dahil sobra ang paggawa ng iyong katawan ng mga hormones ay hindi napipigilan ng mga masel ng iyong bahay-bata o uterus na mag-contract o makaranas ng tensyon. Posible ka ring makaramdam ng sakit sa likod, pakiramdam ng panandaliang paglobo, pagkahilo, pagtatae, at pagkapagod. Normal lang ang mga ito.
Maaari kang gumamit ng mga sumusunod upang maibsan ang sakit:
- Hot compress (o bimpo na may mainit na tubig). Ilagay lang ito sa may bandang puson.
- Painkillers tulad ng Mefenamic Acid, Ibuprofen, Hyoscine-N-butylbromide o Paracetamol.
- Maari ka ring gumamit ng mga contraceptive pills. Paalala lamang na kumunsulta sa isang health care provider para sa tamang paggamit ng mga ito.
Kung sobra-sobra na ang pananakit ng iyong puson, kumunsulta na sa isang OB-Gyne.