Habang tumatanda ka, normal na maramdaman ang hindi pag-asa sa pamilya, at mas lumapit sa mga kaibigan. May pagkakaibigan na nauuwi sa romantic na relasyon kung saan may nakakaramdam ka ng special emotional connection, na pwedeng maging pisikal o sekswal. Nakakatuwa ang mga relasyon. Pero kung hindi nakakabuti, pwedeng maging komplikado, at nakaka-stress.
Pakikipagkaibigan man o pagmamahalan, nakabase ang mabubuting relasyon sa respect, equity, at communication.
1. Respect. Sa isang relasyon na may respeto, binibigyang-halaga ang pagkatao ng bawa’t isa. Kaya kampante kang sabihin ang nararamdaman mo o tumanggi sa bagay na hindi ka sang-ayon nang walang takot na mahusgahan o mabalewala. Kung may taong madalas nanunukso o nanggigipit sa iyo para gawin ang bagay na ayaw mo, kawalan ito ng respeto at maaaring senyales ng hindi mabuting relasyon.
2. Equity. Mahalaga rin para sa magkarelasyon ang pagtrato bilang patas na magkatuwang. Para sa pantay na tulungan at balanseng kasunduan na may respeto sa bawat isa bilang mga indibidwal. Kung may isang susubok na kontrolin ang kanilang partner o ang relasyon, — halimbawa, kung siya ang laging nagpapasya o nagpapadala siya ng napakaraming text para i-check ka , isa na namang pangit na senyales iyon.
3. Communication. Sa isang relasyon na may magandang komunikasyon, malaya kang makakapagsabi at makapagpapakita ng damdamin. Kung may di-pagkakasunduan, malaya ninyo itong mapapag-usapan, pakikinggan ninyo ang isa’t-isa, at hahanap kayo ng solusyon. At gugustuhin ninyong parehong humingi ng tawad kung may nasaktan. Sa hindi mabuting relasyon, ang di-pagkakasunduan, tinatapos ng walang imikan, o may isang manggigipit, mangbu-bully, o mangmamaliit para sumang-ayon ang isa.
Sa madaling salita, kung mabuti ang relasyon, magaan ang pakiramdam mo sa partner mo – at sa iyong sarili.
Kapag nakapag-decide ka nang magkaroon ng relasyon sa isang tao, mahalagang maunawaan mo ang mga pagkakaiba ng healthy relationship at ng unhealthy relationship. Ang lamang sa mga mahahalagang katangian ng isang healthy relationship ay komunikasyon, tiwala, physical at emotional safety, at respeto. Panuorin ang buong video upang matutunan natin ang mga ito.
Sa tulong ng Austrian Embassy Manila, mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyong tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog!
——————
I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos.