Consent at Komunikasyon

Play Video

Hindi gaya ng hayop na madaling malaman kung gusto o ayaw nilang magpahawak, ang tao ay kinakailangan ng malinaw na usapan para malaman ito. Ang tawag dito ay consent.

Bago gumawa ng kahit ano mang bagay lalong-lalo na kung sekswal, kailangan munang humingi ng pahintulot. Ito yung malinaw na pagsasabi ng “oo” at “hindi.” Tandaan na hindi dahil hindi humindi sa iyo ang isang tao ay nagbibigay na siya ng consent. Kailangan nang malinaw na pakikipag-usap at pagkakasundo para dito.

Lahat ng tao ay may karapatang humindi, at okay lang ‘yun. May kalayaan kang tumanggi kapag ayaw mong gawin ang isang bagay at malaya ka ring magbago ng isip kung naisin mo man.

Kung sakaling makaranas ng walang consent na pangyayari, mabuting makipag-usap sa isang pinagkakatiwalaang nakatatanda para malaman kung ano ang pwedeng gawin tungkol dito. At tandaan na ito ay hindi mo kasalanan.

Sa tulong ng Austrian Embassy Manila, mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyong tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog.

——————
I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos.