Ang sexual consent ay ang pagsang-ayon ng dalawang tao na magsagawa ng isang partikular na sekswal na aktibidad at pagpapahayag ng kanilang pahintulot sa pamamagitan ng pagsasabi ng “oo, OK lang iyon sa akin.” Ngunit hindi dahil pumayag ang isang tao na gawin ang isang sekswal na aktibidad ay sang-ayon na rin siyang makisali o gumawa ng iba pa.
Lahat ng tao ay may karapatang magbago ng isip tungkol sa kung anong gusto at hindi niya gustong gawin anumang oras. Ibig sabihin, kahit pa nasa gitna na kayo ng pagtatalik o ano pa mang sekswal na aktibidad sa oras na magbago ang isip ng isang tao, kailangan mong tumigil at respetuhin ang desisyon niya.
Hindi dahil hindi humindi ang isang tao, ibig sabihin nito ay pumapayag siya o nagbibigay na ng pahintulot. Kung ang isang tao naman ay nasa ilalim ng impluwensya ng droga o alkohol, hindi sila maaaring legal na magbigay ng pahintulot. At ang anumang sekswal na aktibidad na walang pahintulot ay maituturing na sexual assault o rape.
Kung ikaw man ay nakaranas ng sekswal na panghahalay o rape kailangan mong malaman na hindi mo ito kasalanan. Importante ring may makausap kang pinagkakatiwalaang may sapat na gulang tungkol sa nangyari.