Ano ang Virginity?

Play Video

Isa kang virgin kung hindi ka pa nakikipagtalik – yan ang kadalasang paniniwala tungkol sa virginity. Pero sa totoo lang, wala talagang siyentipikong batayan ang konsepto ng virginity.

Sabi nila, virgin ang isang babae kung buo pa ang hymen niya. Ang hymen ay isang tissue na bahagyang nakatakip sa bandang bukana ng vagina, pero hindi lahat ng babae ay pinanganak na mayroon nito. Pwede rin itong numipis sa paglipas ng panahon, o mapunit sa ibang dahilan maliban sa sex, tulad ng pagbibisikleta o pagsusuot ng tampon.

Kaya naman hindi posibleng malaman kung virgin ang isang tao sa simpleng tingin o kahit pa sa isang medical exam. Hindi rin ibig sabihin na kapag nakipagtalik ang isang babae at hindi dinugo ay nagkaroon na siya ng sekswal na karanasan noon. Sa totoo lang, ang virginity ay isang “social construct” o ideya na napagkasunduan lang ng lipunan. Hindi dapat ito batayan ng halaga ng isang babae sa pakikipagrelasyon.

Panoorin ang video na ito para lubos pa itong maintindihan!

Sa tulong ng the Australian and New Zealand Association (ANZA), mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyon tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog!

——————

I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos: https://bit.ly/3ELvEcw