Ano ang Sexual Orientation?

Play Video

Sa pagsisimula ng puberty, marami sa mga kabataan ang  nagsisimulang makaranas ng feelings of attraction para sa ibang tao. Ang nararamdamang ito ay maaaring nakakalito at medyo nakakatakot. Pero huwag mag-alala. Normal ang ganitong pakiramdam. Kahit na minsan, mahirap.

Kanino ka man pisikal o romantikong naaakit ay tinatawag na sexual orientation.

Ang mga babaeng pisikal o romantikong nagkakagusto sa kapwa babae ay homosexual at tinatawag ding lesbian o tomboy. Samantalang ng mga lalaking pisikal o romantikong nagkakagusto sa kapwa lalaki, ay homosexual at tinatawag ding gay o bakla. Minsan ginagamit din ang salitang gay para sa mga lesbian. Ang mga taong nagkakagusto sa kasalungat nilang kasarian ay heterosexual. At ang mga taong nagkakagusto sa parehong babae at lalaki ay bisexual o silahis.

Maraming tao man ang nakakaalam nang sexual orientation nila sa murang edad, karaniwan din sa edad na ito ang malito sa mga saloobin at pakiramdam sa kung kanino ka nagkakagusto. Sa katunayan, maaaring naiisip mo ang mga kapareho at kasalungat mo ng kasarian pero hindi ka pa rin sigurado. Huwag mag-alala, may mga taong kailangan pa ng kaunting panahon para maintindihan ito. Pagdating ng tamang oras, anuman ang iyong sexual orientation, malalaman mong wala kang dapat baguhin sa sarili mo.

Sa tulong ng Austrian Embassy Manila, mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyong tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog!

——————

I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos.