May maraming anyo ang sexual harassment at pwedeng mangyari ito sa maski anong lugar o sitwasyon, sa babae man o lalaki. Hindi lang panghihipo ang maituturing na sexual harassment. Kabilang din dito ang bullying na nakakasakit ng tao sa pamamagitan ng mga sekswal o malisyosong mga biro, komento, chismis, o kilos na tungkol o nakadirekta sa ibang tao.
Kung biktima ng sexual harassment, tandaan na hindi mo ito kasalanan. Ano pa man ang kilos o suot ng isang tao, hindi ‘yon imbitasyon para bastusin sa kahit anong paraan.
Kung nakakaranas ng sexual harassment, magsabi sa pinagkakatiwalaang kaibigan o pamilya, o kaya i-report sa awtoridad.
Narito ang isang video na hinanda namin para pag-usapan ang topic na ito.
Sa tulong ng the Australian and New Zealand Association (ANZA), mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyon tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog!
——————
I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos: https://bit.ly/3ELvEcw