Ang sexting ay pinagsamang salita na “sex” at “texting”. Maaaring magpalitan ng tinatawag na nudes o larawan ng hubad na katawan ang mga taong nakikipag-sexting sa pamamagitan ng text o chat.
Maaaring katuwaan lamang para sa iba, lalo na sa mag-jowa, pero ‘wag na ‘wag kakalimutan na walang tunay na pribado pagdating sa mundo ng internet. Pwedeng ma-hack at kumalat ang mga sensitibong nilalaman ng chatbox, at mahirap na itong bawiin kung mangyari man.
Kung interesado ka sa isang tao sa romantiko o sekwal na paraan, may mga mas ligtas at magalang na paraan ng pagpapahayag nito kaysa mag-send o magpa-send ng nudes o iba pang bagay na dapat ay pribado lamang.
Para sa mas malalim na talakayan, panoorin lang ang video na ito.
Sa tulong ng the Australian and New Zealand Association (ANZA), mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyon tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog!
——————
I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos: https://bit.ly/3ELvEcw