Ano ang Masturbation?

Play Video

Sa panahon ng puberty nagsisimulang lumikha ang katawan ng mas maraming sex hormones. Isa sa resulta nito ang pagiging interesado at curious sa sekswalidad. Minsan, para mapawi ang stress at sexual tension pinapaligaya ng mga kabataan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng paghawak sa kanilang mga ari. Ang tawag dito ay masturbation.

Ito ay napaka-pangkaraniwan sa mga lalaki at babae. Normal lamang itong gawin, at normal lang din kung hindi, at ginagawa lamang ito nang pribado.

Taliwas sa mga bali-balita, ang masturbation ay walang masamang epekto sa iyong kalusugan. Hindi ka mauubusan ng semilya, hindi mababali ang iyong ari, hindi ka tutubuan ng buhok sa palad, at hindi ka rin mababaliw o mabubuang.

Dagdag pa rito, hindi ito nakakaapekto sa buwanang dalawa ng mga babae at hindi rin ito nakakaapekto sa pagkakaroon at pagpapanatili ng erection ng lalaki.

Kung nababahala sa dalas ng pagma-masturbate at nakakaapekto na ito sa pang araw-araw na gawain, dapat nang makipag-usap sa pinagkakatiwalaang nakatatanda. Pero sa pangkalahatan, ang ang masturbation ay hindi nagsasanhi ng problema kahit na ilang beses pa ito gawin sa isang araw, at ito ay isang ligtas na paraan upang ipahayag ang sekswal na damdamin.

Sa tulong ng Austrian Embassy Manila, mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyong tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog.
——————
I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos.