Ano ang Birth Control Pill?

catapult-flat-bellies-final-report-4

Isa sa pinakakaraniwang ginagamit na contraceptive ay ang birth control pills. Pinipigilan ng pills na maglabas ng itlog ang iyong obaryo dahil sa mga hormones tulad ng estrogen at progestin na nilalabas nito sa katawan ng isang babae.

Ang pills ay epektibo kapag ininom araw-araw nang walang mintis. May mga pills na pwede mo ring inumin para tumigil ang pagdating ng iyong regla. Maraming klase ng pills, kaya makipag-usap ka sa isang doktor o nars  para malaman mo ang pills na swak sa iyong kondisyon.

Mahalagang malaman mo rin na huwag uminom ng birth control pills kung sakaling ikaw ay bagong panganak at nagpapadede, lalo na kung wala pang 6 na linggo mula ng ikaw ay manganak. Makakaapekto kasi ang pag-inom mo ng pills sa kakayahan mong maglabas ng gatas.

Mas mainam na magpakonsulta ka sa isang doktor at humingi ng prescription kung balak mong uminom ng pills nang pangmatagalan. May makukuha kang pills mula sa ospital, clinic, botika, o health center na malapit sa’yo. May mga ilan ding health centers na nagbibigay ng libreng pills. 

Libre ring ipinamimigay ang pills sa Ugat ng Kalusugan kaya bumisita na sa aming klinika!

Ano ang Pros at Cons ng paggamit ng pills?

Pros

Mga 92%-99% ka-epektibo ang pills. Pwede rin nitong gawing mas regular ang regla mo at ibsan ang pagsakit ng iyong puson sa tuwing nireregla ka. Good news din kung ikaw ay may mga tigyawat kasi pwedeng makatulong ang pills sa pagkinis ng iyong kutis. Posible ring maprotektahan ka ng pag-inom ng pills mula sa uterine at ovarian cancer.

Cons

Dapat ay hindi mo makalimutang inumin ang pills araw-araw nang walang mintis. Kaya dapat hindi ka makakalimutin! Hindi ka rin protektado mula sa sexually transmitted infections o STIs dahil lang umiinom ka nito. Posible ring bumigat ang iyong timbang. Pwede ring magdulot ng irregular na pagdurugo o spotting ang pag-inom ng pills, pero ito’y panandalian lang naman at mawawala rin.

Paano ginagamit ang pills?

Karamihan sa mga pills ay kailangang inumin isang beses sa isang araw sa loob ng tatlong linggo. Ang iinumin mo naman sa panghuling linggo, ang linggo kung kailan ka na rereglahin, ay yung mga pills na wala nang hormones. Mas mainam na inumin mo pa rin ang mga pills na ito na wala ng hormones para masanay ka nang may iniinom kada araw.