Tulad ng pagkakaiba-iba ng ating panlabas na kaanyuan, malaki rin ang pagkakaiba-iba ng itsura ng ating mga sekswal na bahagi ng katawan. Ang isang taong ipinanganak na lalaki ay karaniwang mayroong titi, isang scrotum na naglalaman ng dalawang itlog o bayag, at puwit na nakikita sa labas ng katawan. Ito ay binubuo ng mga nerves, tissues, at mga daluyan ng dugo. Hindi ito naglalaman ng kahit ano mang buto.
Iba’t-iba rin ang sukat nito. Karamihan sa mga ito ay maliit kapag malambot o hindi nakatayo. Ang pagtayo naman nito ay nangyayari kapag napupuno ito ng dugo na nagsasanhi ng pagtigas nito. Kapag nakatayo ang isang ari ng lalaki, ang sukat nito ay maaaring maging nasa pagitan ng 2.5 hanggang 6 na pulgada. Mayroong mga taong pinipiling magpatuli, habang mayroon namang pinipiling hindi alisin ang balat sa dulo ng ari. Pareho itong normal.
Ang butas sa dulo ng ari ng lalaki ay ang bukana ng urethra na nagdadala ng ihi mula sa pantog palabas ng katawan. Dito rin dumadaan ang tamod o ang kulay puting likido na naglalaman ng semilya palabas ng katawan. Dahil iisa lamang ang daluyan ng dalawa, hindi maaaring sabay na maglabas ng ihi at tamod ang isang lalaki. Kaya’t oras na siya ay maglabas ng semilya, hindi posibleng makapaglabas din siya ng ihi kasabay nito.
Nakasabit naman bahagya sa likod ng titi ang scrotum, isang manipis at malambot na klase ng tissue na naglalaman ng testicles o testes na kung minsan ay tinatawag na itlog o bayag. Dito nabubuo ang hormones pati na rin ang semilya matapos dumaan ang isang lalaki sa proseso ng puberty. Ang mga taong ipinanganak na lalaki ay mayroon ring tinatawag na panloob na reproductive organs.
Isa na dito ang epididymis, isang tubo na may ilang paang haba na nakabalot sa paligid ng testes. Dito nabubuo ang semilya na pagkatapos ay tutungo naman sa epididymis kung saan ito patuloy na magmamature. Ang haba ng epididymis ay nagpapaliban sa paglabas ng semilya at binibigyan ito ng oras upang ganap na mabuo. Mayroong tatlong lugar na gumagawa ng mga likido na hahalo naman sa semilya upang makagawa ng tamod. Ang tatlong ito ay tinatawag na seminal vesicles, prostate gland, at Cowper’s glands.
Kasabay nang pagtayo ng ari ng lalaki ay naglalabas ang Cowper’s gland ng kaunting likidong tinatawag na precum sa urethra na lumilitaw sa dulo ng titi. Nililinis nito at hinahanda ang urethra sa tuluyang paglabas ng semilya. Sa oras ng paglabas, ang ejaculatory duct ay nagbubukas para itulak ang tamod palabas ng urethra.
Sa tulong ng Austrian Embassy Manila, mayroon na tayo ngayong mga libre at tamang impormasyong tungkol sa sexual at reproductive health — sa wikang mas pamilyar sa atin– sa pamamagitan ng mga Amaze.org videos na isinalin sa Tagalog.