🤔Chismis o check: Magkaiba ba ang HIV at AIDS?
👉 YES. Magkaiba ang HIV at AIDS pero konektado sila.
Ang human immunodeficiency virus o HIV ang virus na umaatake at nagpapahina ng immune system ng isang tao.Kapag ang HIV ay hindi naagapan sa loob ng maraming taon, pwede itong humantong sa acquired immunodeficiency syndrome o AIDS.
AIDS ang tawag sa kondisyon ng isang taong may HIV kapag mahinang mahina na ang immune system niya.
Nagdudulot ito ng malalang sakit at maaari itong ikamatay.
Ang video na ito ay ginawa ng Ugat ng Kalusugan, sa pamamagitan ng suporta ng Embassy of Canada in the Philippines at Canada Fund for Local Initiatives. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa ugatngkalusugan.org.