Contraceptive Method: DMPA

Play Video

Ang DMPA o Injectable ay isang uri ng hormonal contraceptive na pumipigil sa paglabas ng egg cell, nagpapanipis sa lining o dingding ng matres, at nagpapakapal sa cervical mucus o ang likido na nakabalot sa bukana ng matres.

Pinipigilan nito ang sperm cell na makaabot sa matres hanggang tatlong buwan. Kung tama ang paggamit. Ito ay 99% effective sa pag-iwas sa pagbubuntis. Ang injectables ay bagay sa mga makakalimutin lalo na pagdating sa araw araw na paginom ng pills. Bagay rin ito sa mga bagong panganak na nagpapasuso ng sanggol na may edad anim na linggo pataas.

Normal lang na epekto ng DMPA ang mawala, humina o maging irregular ang regla dahil sa nilalaman nitong hormones. Normal lang ito at walang masamang epekto sa katawan.

Panoorin ang video na ito para mas maintindihan pa kung paano gumagana ang DMPA.

Ang video na ito ay hatid sa inyo ng Ugat ng Kalusugan, sa pamamagitan ng suporta ng Embassy of Canada in the Philippines through the Canada Fund for Local Initiatives. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa ugatngkalusugan.org